Photo from wikipedia by Mohammed Moussa

Yirah (יִרְאָה)

Hebrew word translated “fear”. Sometimes it refers to the fear we feel in anticipation of some danger or pain, but it can also mean “awe” or “reverence”. In this latter sense, yirah includes the idea of wonder, amazement, mystery, astonishment, gratitude, admiration, and even worship.

--

Luha — siyang gamit pang-akda
Pagkat salita’y hindi mailathala
Sa tindi nang pagkamangha
Mundo ko tila muling ginuho na

Gandang natatangi’t walang maparisan
Hindi mailarawan pagkat kulang —
Kulang lahat ng kulay pati pintura
Sadyang higit sa lahat ang gandang tangan

Kung dumating ang araw na ito’y basahin na
Sa araw na Iyong itinakda
Natatanging dalangi’y maramdaman Mo nawa
Kung gaano kang minamahal ng Iyong nilikha

Dalangin niya’y palalimin Mo pa4
Naising makilala’t mahalin Kang una
Upang kahit mga nais o mga pangarap pa
Magawang ibaba — para maitaas Ka

Luha — pa rin ang panulat ng may akda
Nanikluhod pagkat wala nang nagawa
Ano pa nga bang sapat na salita —
Dakila Ka. Dakila Ka. Dakila Ka.

--

--

No responses yet