Subukang ilihis ang paningin
Palayo sa nakatingin
Umiling kung man may marinig
Gawing alaala kunwari’y panaginip
Ingatang magsalita ang damdamin
At baka dila’y putulin
Huwag ring magulat kung tapikin
Pagkat sayo ngayon sila’y nakatingin
Pangamba, ‘di ko nais iparating
Pag-iingat siyang dalangin ko’y pag-igtingin
Pagkat sa balang nakakasa sa langit
‘Di malalaman sinong tatamaan ng malalim