Photo by peter bucks on Unsplash

Tago

Latent

--

Kung hindi galing Sayo’y itago Mo ako
Ni anino’y hindi makita nang kung sino

Kung hindi galing Sayo’y itago Mo ako
Ilayo’ng kalapitan kung kanino

Kung hindi galing Sayo’y itago Mo ako
Hanggang sa hindi marinig katiting na boses ko

Kung hindi galing Sayo’y itago Mo ako
Manatiling nagtatago rito sa bisig Mo

Kung ito’y galing Sa Iyo
Lahat ng takot na ito
Matutunaw na tila yelo
Pagkat Sayo nagmula maging ang init nito

Tago.

Tago…

--

--

No responses yet