Photo by <a href=”https://unsplash.com/@kent_pilcher?utm_source=unsplash&utm_medium=referral&utm_content=creditCopyText">Kent Pilcher</a> on <a href=”https://unsplash.com/s/photos/sun?utm_source=unsplash&utm_medium=referral&utm_content=creditCopyText">Unsplash</a>
Photo by Kent Pilcher on Unsplash

Sumisikat ang Araw Para sa Lahat

Ecclaire
Apr 6, 2022

--

Sumisikat ang araw para sa lahat,

Nagpaparamdam ng init sa bawat madampian ng sinag,

Ngunit dahil sa mga nakaaangat,

Ang ila’y napapagkaitan,

‘Di naaarawan, kahit anong gawi’y ‘di masikatan.

Sumisikat ang araw para sa lahat,

Lumalaganap saang dako ng bansa,

Ngunit mundo’y bilog pagkat ito ang nais ng Manlilikha,

Panahon ang nagsasabi kung kailan sisikat para sa ilan.

Sumisikat ang araw para sa lahat,

Nagbibigay kulay matapos ang dilim na dulot ng magdamag,

Katotohanang ito’y alam ko ngang mainam,

Kaya pag-asa’y nanatiling matibay.

Pagkat sumisikat ang araw para sa lahat

Baka may higanteng nakatunghay sa harap,

O baka naman nasa kabilang dako pa ako ng mundo’t kailangan kong maghintay,

Pagkat sumisikat ang araw para sa lahat,

Alam kong makikita ko rin iyon, at mapupuno ng saya ang matang masisilaw.

--

--