Photo by Andy Art (https://unsplash.com/photos/cqvLZriUeDQ)

Pang-ilang “Ayoko na” ?

Ecclaire
Jan 22, 2021

Nakikinig ka ba?

Naririnig mo ba?

O para lang tayong mga statuwa,

Nagpapanggap na buhay kahit halatang patay na?

Ilang ulit pa ba?

Inulit ko pero bakit hindi mo makuha?

Ipinapaliwanag ko ng buong hinay kahit galit na,

Bakit pilit mong pinuputol ang pasensya kong dala?

May kahahantungan ba?

May kapupuntahan ba?

Kung tila ba sara na ang tenga

At mga salitang saki’y pasarangga

Teka.. teka…

May kahahantungan ba?

Kahit mayron ay ayaw ko na..

Sawa’t pagod na. Ayoko na.

Teka… pang-isang daan ko na ata.

--

--

No responses yet