Sa gitna ng pagtangis, aking napatunayan
Ang Diyos ay mabuti. Laging mabuti.
Ang Diyos ay tapat. Laging tapat.
Higit sa lahat ng runong ng mundo ang taglay Nyang katalinuhan. Sinong makakapantay? Sinong makakaunawa?
Dininig Mo yaring panaghoy.
Siyang alam kong tunay at totoo.
Gayo’y alam na alam rin ng puso’ng tanging para Sayo
Paraan Mo’y iba sa alam ko
Kaya magkabangga-bangga man ang planeta sa kalawakan,
Mawala man ang payapang kinalak’han
Mabigo man sa mundong ubod ng dungis at kasinungalingan
Mapuno man ng takot at mga tao’y mamuhay sa kasamaan
Mananatili ang katotohanan,
Ikaw ay Diyos, Diyos na laging matapat.
Ikaw ay Diyos, Diyos na laging mabuti.
Paano ko ititikum itong bibig?
Paano ko tatapusin inilathala kong pag-ibig?
Paano? Paano kung imbes na manamlay ay binigyang buhay mo akong muli?
Dakila Ka. Dakila Ka.
Ito’y natitiyak ko, Dakila Ka.