Photo by Paweł Czerwiński on Unsplash

Obra Maestra

Kailan makukulayan — mga pangarap na iginuhit sa isipan?

Ecclaire
Pluma Manila
Published in
1 min readSep 10, 2020

--

Nais kong makita hindi mga pangarap na naisulat mo na.
Nais kong makita, hindi mga pangarap na sa isip mo’y paulit-ulit na nagpapasaya.
Nais kong makita, hindi mga pangarap na natutulog sa himlayan ng mga ideya.

Nais kong makita — sa ganang makakaya ng mga mata,
Mga pangarap na binigyang buhay mo na.
Mga pangarap na itinuloy kahit nakailang dapa na.
Mga pangarap na piniling sayo’y humulma.
Mga pangarap na unti-unting nagkakaron ng kulay at porma,
Tila makulay na Obra Maestra sa mundong paulit-ulit na pinipinturahan ng itim at pula.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--