Ngayon naiintindihan ko na,
Makasarili ka ngang talaga.
Saya at inis ay sabay kong nadadama,
May kilig at pagka-irita pang kasama.
‘Di ko alam paano pero tama ka,
Makasarili ka ngang talaga.
“O huwag ka na magsalita,”
Isasagot ng matalim mong dila
Sasamahan pa ng, “Tumigil, tumahimik ka.”
Makailang hiwa na nga ang nagawa ng mga salita,
Pero ‘di tulad noon, ito ngayo’y ‘di na tatalab
Tila ka humihiwa sa kawalan
Umaasang sana’y masugatan
Pagkat kung makaramdam
Paniguradong puso nya’y para sa sakim na puso pa rin nakalaan
Kung tama man itong hinuha,
Masasabi kong oo, tama ka,
Makasarili ka nga.
Napaka-makasarili mo ngang talaga.