Photo by Christopher Ott

Millenial Crabs

Mga Talangka ng makabagong panahon.

Ecclaire
2 min readFeb 4, 2021

--

Pst! Ikaw! Oo, ikaw na kanina pa nagse-search ng pangalan sabay tingin sa profile. Anong hinahanap mo?

Aba… mukhang nakikibalita ka nanaman aa??

Kamusta raw? May nakita ka bang bago o kakaiba?

Aa… iyun pa rin?! Tsk. Ano ba yan! Nagsayang ka lang ng oras.

Yung minutong ginugol para “makibalita”… teka, mas mainam yata na gamitin ang salitang “maki-chika”.

Maki-chika sa kung ano na bang ganap sa buhay niya.

Hay nako! ‘Di ka ba nanawa kakagawa ng ganiyan? Oo. Alam kong gusto mo lang malaman, pero siguro ka bang iyon lang? O gusto mong makitang ika’y nakalamang?

Aysus! O sige nga, kung ‘di yan ang dahilan e bakit tila pag nagpost siya ng mamahaling damit ay lagi kang napapairap sabay tingin ng mainam kung magkano iyong bago niyang binili?

E nung minsan nga, nagpost siya ng relo. Kahit ‘di mo kailangan e bumili ka rin ng iyo. Aysus ginoo! Deny pa more. Inggit na tinatago sa “sana all”.

Natutuwa? O sige. Ipalagay na nating ganoon. Nawa nga’y totoo kang natutuwa para sa pagpapala ng iba.

Ay teka! Isa ka pa!! Isa ka pa!!

Bakit panay ka scroll ng scroll riyan, tas tyaka mo lalaitin yung mga post ng kaibigan mo riyan.

Aa!! Hindi naman ikaw ang nag-add sa kanila? E bakit mo naman inaccept? Tas ngayon e kada picture o video’y lalaitin mo. Sasabihan na kesyo hindi sya maputi, o di sya petit. Tapos mamaya mo, naka-heart ka pa. Aysus! Napaka-plastic mo. Kelan ka ba magiging totoo sa mga kaibigan mo?

Abe Susmaryosep!

Huwag na kayong makigaya sa mga kakilalang nyong plastic, mapanlait at chismosa. Nagkalat sila’t masyado na silang marami. Huwag na kayong makidagdag pa, ha?

Para nyo ng awa. Para sa uri ng henerasyong kayo rin naman ang gumagawa.

--

--

No responses yet