Photo by Camille Brodard on Unsplash

Kalahating Basong Tubig

Ecclaire
Jun 3, 2022

Kalahating basong tubig ay sapat na
Upang uhaw mapawi at maginhawahan
Mula sa mainit na panahong nadarama
Maupo ka lang, ika’y pagpapawisan na

Kalahating basong tubig lamang ay sapat na
Upang malagyan pa ng yelo, tatlo hanggang lima
Unti-unti mang matunaw ay hindi aapaw
Ha! Isipin ko pa lang, ako’y nasasabik na

Kalahating basong tubig lang ang kailangan
Upang mapawi ang nararamdamang uhaw
Ngunit bakit tila hindi nagiging sapat?
Bakit tila laging nasasabihang kulang — kulang pa

Kalahating basong tubig lang rin naman
Ang pinagmulan ng basong umaapaw
Ngunit bakit laging nawawalan ng halaga?
Hindi pinipili at kung piliin man,
Malamang ay napilit pa.

Kaibigan, tanong ko ngayo’y sapat na ba?
Ang kalahating baso tubig para sayo’y sapat na ba?
Huwag mo sanang makalimutan
Hindi nauubusan ang may kasapatan.

--

--