Sa kailalima’y mauulinigan malaanghel na tinig,
Nitong dilag na katangi-tangi.
Saksi ang iilan sa ganda ng kanyang mga ngiti.
Kung hindi kilala’y paniguradong matuturingang masungit.
Hindi maaarok ng mga naghahangad ng mababaw.
Ngunit malalim ang pag-sinta sa kaniya ng mga piniling siya’y maging kaibigan.
Para siyang reynang napapangalanan ano ang karapatdapat.
Pagkat kanya ng natutunan, alagaan ang sarili bago hangarin ang pagkalinga ng naghahari-harian.