A las diez na, napapaisip ka pa?
Anong gulo namumuo sa isipan?
Sumasagwan nanaman sa ilang?
Pumapalaot patungong kung saan?
Teka! ‘Wag ka masyadong magpadala
Panandaliang tumigil ka muna, sana
Huminga ng dahan-dahan
Hanggang kumalma ng tuluyan
Ngayon ay pangalanan
Mga hindi nagpakilalang kaisipan
At unti-unting aksyunan
Kahit sa panulat lamang
Payo ko’y ‘wag padaya sa oras
Dahil bumibilis tuwing batid ang kanyang pagkumpas
Bumabagal naman kapag inaabangan ang wakas
Kaya kalma, gamiting mainam ang oras
Tiktok…
Tiktok…
Ilang minuto na lang,
Bukas ay magiging ngayon na
Dalawang a las diez ang daraan
Muli kong tanong ay,
A las diez na, napapaisip ka pa?