Sa tahimik ako’y lumagi
Ninais kapayaan kahit saglit
‘Di inasahang nanaising lumagi
Dito sa tahimik, walang gulo, walang inggit
Kahit mag isa’y nagtiis
Kahit walang kalinga’y nanatili
Kahit wala ang haplos mo’y ito ang pinili
Pagkat pagod na sa pag-asang nangingitil
Halos tatlong buwan na simula nang tumigil
Sya ring mga buwang tunay na ang ngiti
Nakakagulat at ‘di na hangad ang ‘yong pagbalik
“Sorry not sorry”, gusto kong sabihin
Katotohanang pagsulyap sayo’y sya pa ring nais
Kanina nga lang ay tinanaw kahit palihim
Ngunit ating istorya’y matagal nang pinunit
Kaya agaran ring umalis, kahit walang pasabi
Konting panahon pa’t ‘di na iimik
Tuluyang mawawala lahat, walang galit
Ito ang pinakamabuti, lagi mo ngang sabi
Ngayo’y pagsang-ayon tugon kong lagi
Sa distansyang hinayaang lumawak
Natutunang tumayo kahit walang hawak
Walang kalinga ni gabay na lagi kong hanap
Ngayong sinanay mo at kahit nahirap’ay magpapasalamat
Salamat.
Sa pagtalikod sa nagmakaawa
Sa pagpiling iba na ang makasama
Sa pagbitaw kahit hindi pa handa
Sa pagpaparaya kahit handang madaya