Ecclaire
Dec 17, 2021

--

Bawat araw na lumilipas,

Bawat paglayo sa nakaraan,

Ay siya namang paglapit sa kinabukasan.

Bawat pagtalikod sa mga tapos na,

Ay siya namang panimula ng bagong mas mainam.

Nakakapagtaka.

Naiisip ko pa lang ay napapangiti na.

Naiisip ko pa lang, tila ako’y lumilipad na.

Kung kaya ko lang tumakbo patungo sa hinaharap’ay ginawa ko na.

Kakaripas sa pinakamainam na kaya.

Hindi upang ako’y malito, kundi mabuo.

Hindi upang ako’y magulo, kundi mapuno.

--

--