Balang Nakakasa sa Langit

Ecclaire
Jun 29, 2021

--

Subukang ilihis paningin palayo sa nakatingin

Umiling kung man may marinig

Ngumiti sa pananahimik

Gawing alaala ng panaginip

Ingatang magsalita ng matulin

Dila’y baka putulin

Huwag magulat kung tapikin

Pagkat sayo ngayo’y nakatingin

Pangamba, ‘di ko nais iparating

Pag-iingat syang dalangin ko’y pag-igtingin

Pagkat sa balang nakakasa sa langit

‘Di malalaman sinong tatamaan ng malalim

--

--

No responses yet