“Ano ba yan.”

Ecclaire
1 min readJun 19, 2021

--

‘Di na ako madalas magbukas ng social media.

Una — dahil ayoko ng nega.

Pangalawa — dahil tinatamad na lang talaga.

Pangatlo — pagod na akong makita ang mga kwento nila.

Ngunit ang gabing ito’y kakaiba.

Timaan ata ako ng kakarampot na sipag.

Nagbukas ng app, nagscroll, nag scroll at sa kaka-scroll ay napatigil na lang.

Sabay salita ng,

“Ano ba yan.”

Buhay ni ganire, buhay ni kuwan, buhay nila.

Ang iba’y may kaaway na ‘di mo naman kilala,

Iba’y paganda ng paganda kahit naka-todo make-up na,

“Ano ba yan.”

Ito ba ang saysay ng buhay sa kanila.

Kaunting scroll pa, at may nangibabaw sa lahat.

Nakita ko ang usapan ng mga kabataang noo’y estranghera sa isa’t isa.

Hindi man aktuwal, ngunit nakita ko ang mga emoji na naghuhumiyaw sa tawa.

Nasaksihan ko ang nabubuong pagkakaibigang Kabanalan ang pinag-ugatan.

Tila naaninaw ko ang kinabukasang may liwanag, mas nagliliwanag pa.

Sa pagkakataong ito’y Tuluyan na akong tumigil, sinara ang app, at binalangkas ng kaisipan kung saan ang lahat ay nagsimula.

Sa pagkamangha’y, walang salita ang nabigkas.

Walang salita ang sapat.

Gayunma’y isa lamang ang tiyak.

Puso ko’y Galak na galak.

Pagkat tila nag-umapaw muli ang kahulugan ng aking buhay.

Naging malinaw ang kahalagahan nitong Pag-asa kong taglay.

At ang importansyang maibahagi ito sa lahat at hindi lang sa iilan.

Ito — ang Tunay na saysay ng buhay.

--

--

No responses yet