[1]Kuda — Sayang

Ecclaire
Oct 4, 2021

--

Kung ilalarawan ang mga salita,

baka walang maiguhit o maipinta.

Kung ikakanta ang mga salita,

baka purong himig lang ang magawa.

Kung ikukumpas ng katawan ang mga salita,

baka hindi makagalaw, ni hakbang ay wala.

Kung ano ang dahilan ay ‘di rin malaman,

bakit ‘tila lito nanaman kahit may pinupuntahan.

Kung bakit ‘di maipahayag ay ‘di rin malaan.

Baka sakaling sa pagsulat — baka maalala, baka maintindihan.

Maraming pagkakataon ganito ang takbo ng isipan.

Sa pagdaan ng panaho’y unti-unting natutunan,

‘Di laging may sagot ang mga katanungan.

‘Di laging may salitang makakapaglarawan ng nararamdaman.

‘Di laging may kahulugan ang bawat laman sa isipan.

Sa pagdaan ng panaho’y natutunan,

Piliin alin ang dapat paglaanan ng pansin at oras.

Pagkat maikli lamang ang buhay, sayang —

Sayang kung gagamitin sa walang kabuluhan.

--

--