[0]Kuda— Kulang

Ecclaire
Sep 29, 2021

[0]Kuda — Kulang

Kulang ang panahon para magdrama sa mga hindi mahalaga.

Kulang ang panahon para mainis sa mga mababaw na ‘di pagkakaunawaan. Mabuting magpatawaran.

Kulang ang panahon upang magyabang at ipakilala ang sarili na higit kaysa iba.

Kulang ang panahon upang mangialam sa buhay ng iba. Hindi ka ba nananawa?

Kulang ang panahon para sa pasaring na animo’y aso’t pusa ngunit balang araw naman, kapag nagkagipita’y sa isa’t isa rin naman makikiusap.

Kulang ang panahon para makipagtagisan sa mga taong kay tagal mo ng iniiwasan.

Kulang ang panahon para manatiling imbyerna — sa lahat na lang!

Kailan ba natin magagamit ng tama ang panahong kulang?

--

--